Lumaktaw sa pangunahing content

Lakbay Sanaysay: "Ang Paglalakabay namin sa Camarines Sur"


Sa bawat nating paglalakbay, mayroon tayong baong mga alaala ng mga kwento ng pagsasamama ng bawat pamilya, kasaysayan ng bawat lugar nan ararating, aliw sa mga napapasyalan at kultura ng napuntahan. Nariyang maglalakbay la dahil may nais kang malaman tungkol sa lugar na nais kong marating, o may mga kailangang mapuntahan at di inaasahang makapaglakbay sa pagkakataong makapunta sa bagong lugar na iyon. Ngunit, kasabay ng mga magagandang tanawin, katangi tanging mga katangian ng lugar ay mahalagang maging bahagi tayo ng pag-unlad at pagkilala sa ating dinadayo.

Kasama ang aking pamilya, nakarating kami sa lugar ng mga "Oragon" ang Bicol. Kilala ang Bicol sa kanilang Bicol Express o Sinilihan, isang putaheng napaka-anghang na may mga sangkap ng sili, na maaaring siling haba o siling labuyo, shrimp paste, karne ng baboy, stockfish, sibuyas at bawang. Ito raw ang nagpapatunay na ang mga Bicolano ay may katatagan sa kanilang mga sariling kalooban at pagiging matapang dahil nga ang mga tao sa Bicol ay mga oragon o matatag.

Sa aming paglalakbay ng 8 oras lulan ng bus mula sa Araneta Bus Terminal sa Cubao, nadaanan namin ang mga lalawigang Laguna, Batanggas, Quezon, Camarines Norte hanggang sa marating namin ang aming destinasyon, Pili, Camarines Sur. Ang Pili ay ang Capital ng Camarines Sur. Ang Camarines Sur na pinamumunuan nina Gov. Miguel Luis Villafuerte at V. Gov. Imelda Papin ay ang pinakamalaki sa anim na lalawigan sa Bicol Region. Kilala ito sa katawagang hagatan sa Camarines sa wikang Bicolano at Timog Camarines naman sa Tagalog. Mayron itong dalawang component na mga siyudad: Naga, ang nagsisilbing sentro ng industriya, relihiyon, pinansya, komersiya at kultura, at ang Iriga naman ang tahanan ng Rinconada, isa sa mga lingguwahe sa Camarines Sur, ang "Riŋkonāda".

Mga Komento